MAVSTOYS TRANSFORMERS COLLECTION PART 1

TRANSFORMERS COLLECTION PART 1

TRANSFORMERS COLLECTION PART 1

NOTE: SOLDOUT napo ang mga nanditong Transformers. Gusto ko lang po sila i-flex sainyo para makita nyo na nagkaroon po ako nito minsan isang panahon. Sa totoo lang po, happy na sad ang pakiramdam ko nung kailangan ko po silang ibenta.

Gusto mo bang malaman kung magkano na sila sa marketplace? Pumunta ka lang sa price checker namin: 

Known Facts about Transformers Robots Toys from Hasbro

  • Nanggaling sa Japan: Ang Transformers toyline ay nagsimula sa Japan noong 1984 bilang collab sa pagitan ng Hasbro (US) and Takara (Japan). Originally, yung Takara’s Diaclone at Microman toys ay nirebrand ng Hasbro bilang Autobots at Decepticons: mga robots na nagbabago bilang sasakyan!

  • Autobots vs. Decepticons: ang mga mababait na Autobots (sa pamumuno ni Optimus Prime) ay lumalaban sa kasamaan ng mga Decepticons (sa pamumuno ni Megatron). Kalaunan, lumawak ng lumawak ang kanilang mga kakampi. Sino kaya ang mananaig sa huli?

  • Blockbuster Success: Naging superhit agad ang mga robot na laruang ito. Sa katunayan, over 1 billion toys sold worldwide! Na-adopt pa nga sa cartoons, movies (gaya nitong nakaraang Michael Bay live-action series), comics, at video games.

  • Generations ng Transformers: May G1 (Generation 1, 1984-1991), Beast Wars (animals), Armada (Mini-Cons), at modern lines gaya ng EarthSpark. Meron ding mga limited editions at exclusives pa from BotCon conventions.

  • Collector’s Dream: Ang unang Optimus Prime toy ay nagkakahalaga ng mga 20 USD dati, pero dahil ito ay vintage na, mahal na ang bentahan nito sa eBay ngayon.

  • Cultural Impact: Sa Pinas palang, maraming fans na ang bumibili at nagkokolekta ng mga robot na ito. Kaya ang halaga nila ay pabago-bago depende kung rare ito at kung saang palabas sila nafeature.