Toycon season is coming….

throwback video from 2024 Christmas Toy con experience.

It’s another Christmas toycon season this December 2025 mga kalaruan!

Ito yung time na nagtitipon-tipon ang mga kids at heart sa panibagong season ng Christmas Toycon. Ito ay madalas na ginaganap every 2nd week of December ng bawat taon sa Megatrade Halls 1-3.

Usually, pumupunta ako bilang suporta sa mga kalaruan kong naging kaibigan ko na din. Sa totoo lang, sulit ang pumunta dito kung may hinahanap kang collectible or laruan na kukumpleto sa iyong koleksyon. Maswerte ako na isa sa mga pioneers ng Toycon na si sir Victorino Yap (Mac Kolektibol Toyz) ay nabibilihan ko ng toys sa Facebook Marketplace.

Madalas, pag pumupunta ako ng toycon, mga viewmaster at reels ang madalas kong target. Saka mga loose na Marvel at DC cards lalo na ang DC card series na ito:

Mahirap kasi maghanap ng series na ito. Meron man, mahal din ang bentahan. Ito yung palabas sa Studio 23 dati kasabay ng Batman the Animated series. Kaya nawa eh this year makatyempo kahit pano ehehehe.