NOTE: SOLDOUT napo ang Game and Watch na ito. Gusto ko lang po sila i-flex sainyo para makita nyo na nagkaroon po ako nito minsan isang panahon. Sa totoo lang po, happy na sad ang pakiramdam ko nung kailangan ko po silang ibenta.
Gusto mo bang malaman kung magkano na sila sa marketplace? Pumunta ka lang sa price checker namin:

Known Facts about Li-on Game and Watch by Nintendo
Kadalasan, “inspired” ang mga Li-on units sa sikat na Nintendo Game & Watch, pero mas affordable at mas madaling mahanap sa local malls, divisoria, at palengke noon. Meron ding mga units na single game lang, tulad ng pag-salo ng itlog, pag-iwas sa obstacles, o pag-rescue ng characters. May iba naman na parang “9999 in 1” style na iba-ibang variations ng tetris, racing, at shooting games, kahit halos pare-pareho lang pala sila sa totoo lang. Pero bilang bata, sapat na ‘yon para ma-hook ka ng ilang oras.
Isa sa charm ng ganitong handhelds ay ‘yung physical design: maliit na rectangular body, dalawang buttons sa gilid, simple reset at start buttons, at minsan may built-in clock at alarm feature pa. Para siyang mini companion mo sa biyahe—puwede mong dalhin sa school (kung hindi hinuhuli ng teacher), sa probinsya, o habang naghihintay sa sakayan. No internet, no updates, no DLC—just pure, straightforward gaming.
Ngayon, malaking nostalgia trip para sa collectors ang Li-on Game & Watch style units. Maraming adult fans ang nagha-hanap ng lumang units sa ukay, online marketplace, at toy groups para lang ma-experience ulit ‘yung pakiramdam na hawak mo ‘yung unang “portable console” mo. Kahit may cracks na ‘yung screen o faded na ang plastic, mataas pa rin ang sentimental value. Para sa marami, hindi lang siya simpleng laruan, kundi paalala ng panahon na simpleng beeps at blinking LCD characters lang, solve na solve na ang isang buong araw na laro.

