NOTE: SOLDOUT napo ang laruang ito. Gusto ko lang po sila i-flex sainyo para makita nyo na nagkaroon po ako nito minsan isang panahon. Sa totoo lang po, happy na sad ang pakiramdam ko nung kailangan ko po silang ibenta.
Gusto mo bang malaman kung magkano na sila sa marketplace? Pumunta ka lang sa price checker namin:

Known Facts about Dragong Ball Z Grandista
Ang Dragon Ball Z Grandista figures ay sobrang patok sa mga anime collectors, lalo na sa mga fan ni Goku at iba pang Saiyans. Ang line na ito ay gawa ng Banpresto/Bandai Spirits at kilala dahil sa laki, detalye, at solid na presence. Karaniwang mga nasa mga 27–28 cm ang height ng isang Grandista figure, kaya kahit isa lang ilagay mo sa display, ang lakas na kaagad ng dating nito.
Gawa ito kadalasan sa high‑quality na PVC kaya garantisadong matibay at hindi basta-basta nababali kung maingat ang pag-handle mo. Kahit hindi siya premium resin statue, maganda parin siyang kolektibol dahil balanse yng presyo at quality. Kaya maraming Pinoy collectors ang nag-i-start sa Grandista line bilang “unang serious figure” nila. Sa online listings, madalas mababasa mo na around 8.7 to 11 inches ang laki depende sa character at release.
Maganda rin sa Grandista series, consistent ang scale kaya bagay silang i-line up sa isang shelf—Goku, Vegeta, Gohan, at iba pa. Kapag binbidyo, kadalasan iniikot ang figure para makita ang shading sa muscles, detalye sa boots, folds sa damit, at facial expression. Sa mga close-up, kita kung paano nakuhang lifelike ‘yung mata at intensity ng karakter.
Perfect ang DBZ Grandista kung gusto mo ng “malaki na, detailed pa, pero hindi sobrang mahal.” Hindi siya laruan na pang-bata lang—display piece talaga na puwede mong ipartner sa LED shelf, posters, at iba pang DBZ merch. Kung fan ka ng Dragon Ball at gusto mo ng solid centerpiece sa kwarto mo, isang Grandista Goku pa lang, solve na.

