Mavstoys: “Koleksyon. Kwento. Komunidad.”
Welcome sa official website ng Mavs Toys! Nagsimula ang journey na ito way back in 2019 noong nag-start akong magkolekta ng toys. Alam niyo naman kung gaano nakaka-addict at nakaka-happy ang hobby na ito. Dahil sa sobrang enjoy ko sa pangongolekta, nagdesisyon ako na i-share ang passion ko sa mas nakararami.
Kaya noong 2021, sinimulan ko ang aking YouTube channel at Facebook page para i-document ang experiences ko at makipag-connect sa ibang toy collectors.
Dati, active ako sa pagbebenta ng toys, pampagulong ika nga para makabili ng ibang kolektibol. Kung matagal ka nang follower, baka nakita mo na ang shop ko noon sa Shopee, Lazada, Carousell.ph, at Facebook Marketplace. Sobrang saya ng phase na yun dahil nakakatulong tayong maghatid ng happiness sa ibang collectors. Pero sa ngayon, tumigil na muna ako sa active selling operations para makapag-focus sa ibang exciting developments para sa brand natin.
Speaking of developments, this year 2025 is a big milestone for us! Officially registered na ang Mavs Toys sa DTI. Kasabay nito, sinimulan ko na ring i-develop ang ating bagong homebase—ang mavstoys.org. Ginawa ko ang website na ito hindi lang para maging portfolio, kundi para maging useful tool din para sa inyo. In fact, meron tayong dinevelop na Price Checker application dito sa site para matulungan kayo sa pag-check ng value ng mga collections niyo.
Kahit nag-stop na ako magtinda ng mga bagong laruan, meron pa rin tayong mga natitirang “for sale” items. Pwede niyo pa ring ma-check ang mga ito sa Carousell.ph at Facebook Marketplace. Sayang naman kung matatambak lang, so hopefully, mahanap nila ang kanilang forever home sa inyo.
Sa ngayon, ang main goal ko talaga is to continue sharing the joy of collecting. Sisikapin kong ituloy-tuloy ang pagva-vlog ng aking experiences, lalo na sa paghahanap ng mga naiiba at natatanging (rare and unique) toys. Samahan niyo ako sa journey na ito as we explore the world of collectibles together. Maraming salamat sa suporta at enjoy browsing dito sa mavstoys.org!

